Wednesday, July 16, 2008

Typhoon Helen at Isang Patay

Eto ang tumambad sa amin sa garahe
habang hinihintay namin ang bagyong si Helen.


Woof!
Kaawa-awang kwan.
Ano ba iyan, bigB?


Biglang nagsasalita si bigB
ng kung anu-anong bagay na lumilipad.
Ha? Ano bang nakakalokang bagay ba iyang pinagsasabi mo?

Basta ako, lahat ng lumilipad ay . . . langaw.
Nagbabago lang ng laki at kulay
at minsan pati ng pangalan
pero, ano ba ang paki ko . . .

Sabi ni Bogart
huwag na lang daw namin galawin ito
para mapakita namin kay Keeper.
Eh, paano kung isipin ni Keeper
na pinatay natin ito?

Tumahol si Bogart.
Aha, huli kita diyan!
O, ano ang gagawin natin dito?

Naku, tulo laway lang si Bogart.
Hindi alam ko ano ang gagawin.
Kaawa-awang bobo.


O sya, eto ang puede nating gawin:


1. Ilibing iyan sa paso ng bulaklak ni Keeper.
Huwag, at baka mabuhay pa iyan!


2. Itago natin sa lalagyan ng paintbrush ni Keeper.
Naku, huwag! Eh kung dumikit iyan sa brush
at magmukhang katawatawa ang larawan natin!


3. Kainin natin.
Yikes, kainin mong mag-isa!
Naku di mo ko mapapakain ng kung anu-ano!


4. O sya, hintayin na lang natin ang bagyong si Helen
na liparin ang bagay na iyan palabas ng Heaven
at ng hindi makita ni Keeper.


Ayan.
Na-ayos rin natin ang patay na kwan na iyan.
Nakakarinding katapusan
na binalot ng misteryong kamatayan
ng hindi matukoy na bagay.


Nasaan na ba si Keeper?
At nasaan na ba ang bagyo?
Hmmm, sana hindi dumaan sa atin
at sa kung ano mang lugar ito . . .



Sweepy's Post: July 15, 2008
Typhoon Helen and a Dead Thing