Oo, ganyan na kami ngayon ni bigBrother
na hindi ko pangangalanan sa ngayon.
Isang milya ang layo naman.
O, isang silya ang layo.
Umupo si Keeper sa silya at agad niyang naramdaman ang
masamang hangin. Malakas makaramdam si Keeper ng ganito.
At ito ang sabi niya:
"Hmmm, parang may nasasaktan at galit at ayaw ko ng ganyan"
Agad tumahol si bigB:
"Mukhang galit yung Maliit diyan.
Feel ko nagseselos si Liit sa blog ng mga asong itim"
Naku, dinadaan na naman sa asaran.
Si Liit daw, woof, buntot ko!
Eh si Keeper lang ang tumatawag sa akin ng "Little One"
Tinawag ako ni Keeper sa tabi para mag-usap.
Sabi ni Keeper okay lang daw
kapag may kanya-kanya kaming blog.
Kung ano ang tingin kong nakaka-umay
eh baka masaya naman sa iba.
Kung mayroon daw kaming sariling blog
malaya namin na masasabi kung ano
ang tingin namin sa mga bagay-bagay!
Malayang Pamamahayag daw ang tawag dito
at ito ay sumasang-ayon sa lahat
kaya daw ang mga tulad namin
ay pinapayagan ng malalaking kumpanya
gaya ng Google at Blogger
na magkaroon ng sariling blog site!
"At saka, sa Giyera lahat natatalo
at walang pakinabang at kalunos-lunos ito"
At diyan ni Keeper tinapos ang usapin.
Bumalik ako sa lugar ko kanina.
Pilit akong inaamo ni bigB.
Alam ko namang mahirap talikuran
yung tunay mong minamahal . . .
Hindi ko lang kasi kapatid si Bogart
siya ang pinakamatalik kong kaibigan
pangalawa lang kay Keeper . . .
Pero marami kaming dapat pag-usapan
at ito ay pinagtatahol ko sa kanya:
O sya, puede nating ipagdakdakan
at pagtawanan ang isa't isa sa mga blog natin
pero isasa-isip natin na ito'y biruan lamang.
Walang samaan ng loob.
Payag si Bogart.
Alam naman ni Bogart na nagsasayahan lang naman kami.
Pero ang pagsasalin ay hindi pagsasaya kay Bogart.
Hindi ito madaling trabaho.
At and tulad namin ay hindi basta basta.
Pinag-papaguran namin ang blog namin.
At tunay kaming "nakikipag-usap" sa lahat
pati sa tao at halaman
at hindi kami bumubulong . . .
tinatahol namin lahat . . .
O ayan.
Naayos na rin.
Imbes na magkamayan kami
maghahalikan kami at magbabati.
Ngayon, balik na kami sa aming lugar.
At para ipakita ko na mapagbigay ako
ipauubaya ko ang silya kay Bogart.
Papaunlakan ko na malagay siya sa ibabaw paminsan-minsan
at ako naman sa tabi o sa ilalim niya . . .
Masaya si Keeper.
Umaasa si Keeper na sana masaya rin ang mga tao
na nagkakasunduan at binibigyan ang isa't isa
ng malayang pagpapahayag.
Masaya si Bogart
Malaya na makaka-trabaho na si BigB.
At masaya rin ako . . .
malaking tulong talaga kung may nagkukusa
na pag-intindihin at liwanagin ang mga bagay.
Hindi ka naman puedeng galit at nagtatampo palagi.
Nakakapagod at nakaka-umay ito. . .
Masaya rin si Sumo.
Basta hayaan namin siya
sa madilim at matalinghaga niyang mundo
. . . masaya si Sumo.
Kakaiba talaga ang saya ni Alfafa.
At kinasasaya ko ito . . .
Sana masaya at mapayapa rin ang araw ninyo!
Sweepy's "Bark War In Heaven"
Posted July 9, 2008.