Tuesday, July 8, 2008

Kapag Napikon Ang Pikon, este si Sweepy Pala. . .


. . . . Natatanga si Bogart
Gusto ni Bogart maglaro
Pero ayokong makipaglaro sa kanya.
Ayaw kong makipaglaro sa sinuman
na ang turing sa kuwento ko . . .
basura.


Pero, itong walang kaalam-alam na si BigB
ang tingin niya walang masama
sa mga malayang paglalahad.
Malayang maglahad ang mga hayop.
Pero hindi naman ako Hayop.
SuperHound ako.
At mayroon akong pakiramdam.
Pakiramdam na maaring masaktan ng tunay.
Basahin-Mo-Ang-Labi ko:
Maglaro kang mag-isa!

Na-bo-bored si Bogart maglaro ng mag-isa.
Hindi kasi nakikipaglaro ang laruan
at saka hindi rin ito nakikipag-amuhan.
Tinapon ni BigB ang laruan sa akin.

Aba, siyempre, nilaro ko ito
. . . ng Mag Isa.
Kaya ko yata maglaro ng Mag-isa.
Kaya kong maloka sa kalalaro ng mag-isa.
Hindi ko kailangan ng tatanga-tanga na kalaro.
Hahanap ako ng ibang kalaro.

Tama!
Hanapin ko si Keeper.
Siya ang makikipalaro sa akin.
At sigurado akong hinding hindi niya
papayagang masaktan ang damdamin ko.


Sweepy's Post: When Sweepy Turns Sour, July 7, 2008.